Pinabulaanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang napaulat na magkakaroon umano ng taas singil sa pasahe sa patuloy na pag-arangkada ng Publiv Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP ng pamahalaan.
Ayon kay LTFRB Chairman Guadiz III, imposible umano ito at sa pagbuo umano ng fare adjustments ay mangangailangan ito ng mabusising pag-aaral at proseso, maging hindi ito maipapatupad hanggat hindi dumadaan ang naaprubahan ng mga kaukulang ahensya.
Sa lalawigan ng Pangasinan, sa usapin ng PUVMP, nasa halos 100% na ang consolidated o mga may kinabibilangan nang kooperatiba at korporasyon habang kaugnay naman sa singil pasahe, epektibo sa mga pampublikong sasakyan ang dagdag pisong pasahe bunsod ng nangyayaring oil price hike sa merkado.
Sa ngayon, nananatili sa ₱15 ang minimum fare sa MPUJ habang nasa ₱13 naman sa mga tradisyunal na jeepney matapos ipatupad ang umiiral na provisional fare increase o dagdag piso noong October 8. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨