𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗜𝗦, 𝗜𝗚𝗜𝗡𝗜𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗥-𝗥𝗢𝟭

Iginiit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 1 na kinakailangan ang tamang pagbabayad ng buwis ng bawat Pilipino.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue Region 1 Director Josephine S. Virtucio, mahalaga na nakakapagbahagi ang bawat Pilipino ng kontribusyon sa pondo ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.

Isa ito sa nagagamit upang mapondohan ang mga proyekto at programang inilulunsad ng gobyerno para sa mamamayan. Ilan lamang sa mga proyektong ito ay pagpapatayo ng mga pasilidad tulad ng mga paaralan, ospital, health centers at marami pang iba.

Dapat umano na ugaliin ng bawat Pilipino ang tamang pagbabayad ng buwis dahil makatutulong ito sa kinabukasan ng bansa lalo na pagdating sa pagpapaunlad ng imprastraktura at ekonomiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments