𝗧𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔

Pinapayuhan ngayon ng awtoridad ang mga motorista sa lalawigan ang ukol sa tamang paggamit ng ilas sa gitna ng kalsada sa panahon ng tag-ulan para maiwasan ang mga vehicular accidents.

Ayon sa Department of Health Region 1, kung may sapat na kaalaman ang mga motorista pagdating sa mga road safety tips at maging masunurin sa batas trapiko ay makatutulong ito na mabawasan ang pagkakatala ng mga kaso ng aksidente sa gitna ng kakalsadahan.

Ayon naman sa Pangasinan PDRRMO, lagi dapat tandaan ng mga motorista ang tamang paggamit ng ilaw dahil sagot ito sa kaligtasan sa kalsada lalo kung maaabutan ng malakas na ulan.

Mariin na paalala ng mga ito na huwag gumamit ng Hazard lights nang hindi kinakailangan sa malakas na pag-ulan bagkus ay headlight na lamang ang gamitin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments