
Cauayan City β Inilabas ng DOLE ang Labor Advisory No. 17, Series of 2025, na nagtatakda ng sahod para sa mga espesyal at regular na holidays.
Itinuturing na special non-working days ang 8 December o Feast of the Immaculate Conception, 24 December o Christmas Eve, at 31 December New Yearβs Eve.
Para sa mga magtatrabaho sa mga araw na ito, dapat bayaran ang empleyado ng dagdag na 30% sa basic wage, at karagdagang 30% para sa oras na lampas sa walong oras.
Samantala, ang 25 December o Christmas Day at 30 December, Rizal Day, ay regular holidays, kung saan ang nagtatrabahong empleyado ay makakatanggap ng 200% ng sahod sa unang walong oras at dagdag na 30% sa sobrang oras.
Nilinaw ng DOLE na ang layunin ng advisory ay matiyak ang tamang sahod at benepisyo ng mga manggagawa ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.
Source: DOLE
Facebook Comments








