
Cauayan City β Naglabas ng babala ang tanggapan ng House Speaker kaugnay ng mga ulat na may kumakalat na tawag at mensahe mula sa isang numerong nagpapakilalang si Speaker Bojie Dy.
Ayon sa opisyal na pahayag, hindi pagmamay-ari at hindi ginagamit ni Speaker Bojie Dy ang numerong +63 956 226 8585, na umanoβy ginagamit ng mga scammer upang linlangin ang publiko. Nilinaw ng kanilang tanggapan na anumang tawag o mensaheng nagmumula sa naturang numero ay pekeng komunikasyon at hindi dapat paniwalaan.
Hinikayat ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa mga kahina-hinalang tawag o mensahe, lalo na kung humihingi ng personal na impormasyon o anumang uri ng transaksiyon.
Pinapayuhan din ang mga mamamayan na i-report agad sa mga kinauukulang awtoridad ang ganitong uri ng panlilinlang upang maiwasan ang pagdami ng mga biktima.
Patuloy ang paalala ng mga opisyal na siguraduhing beripikado ang pinagmumulan ng impormasyon at makipag-ugnayan lamang sa opisyal na mga channel ng mga opisina ng pamahalaan.










