𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗝𝗨𝗔𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗨𝗡𝗗𝗔𝗥𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥 𝗔𝗧 𝗕𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘𝗧, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗥𝗔

Aabot sa 5. 3 milyong piso na taniman ng marijuana sa boundary ng Ilocos Sur at Benguet ang sinira sa dalawang araw na operasyon ng awtoridad.

Binunot ang nasa 10,350 fully grown marijuana plants at 800 seedlings na nagkakahalaga ng PhP 2,102,000.00 sa Mount Boa, Barangay Licungan sa Sugpon, Ilocos Sur at Barangay Tacadang sa Kibungan, Benguet.

Sa Mount Agay sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur nasa 15,000 fully grown marijuana plants at 5,000 seedlings na nagkakahalaga ng PhP3,200,000.00 ang sinunog ng awtoridad.

Walang nahuling cultivator sa naturang plantasyon ng marijuana sa mga nabanggit na lugar.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy ang mga posibleng nagtanim nito sa lugar.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments