𝗧𝗔𝗡𝗢𝗗, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗨𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗚𝗕𝗨𝗚𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗢𝗔𝗖

Kalaboso ang tatlong lalaki sa Barangay Calaoagan, Laoac, Pangasinan matapos nilang pagtulungang bugbugin ang isang tanod ng kanilang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo sa pagitan ng tanod at ng mga suspek tungkol sa basketball tournament sa kanilang lugar kung saan agad na sinunggaban ng suntok ng isa sa suspek ang tanod. Pagkatapos umano ng insidente sinundan ng tanod ang nanuntok sa kanya at doon na siya na korner pa ng mga kasamahan ng suspek.

Sinugod naman sa pinakamalapit na ospital ang bugbog saradong tanod at nasa kustodiya ng Laoac PNP ang mga suspek para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments