
โCauayan City โ Nagsagawa ang DSWD Field Office 2 ng Tulong Angkop sa PAnTawid (TAPAT) validation para sa Calendar Year 2025 upang masukat ang antas ng suporta ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa rehiyon na sinimulan noong Enero 26 at nagtapos nitong Pebrero 2, 2026.
โAng TAPAT assessment tool ay inayos upang umayon sa mga pamantayan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) sa pakikipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG), na layong palakasin ang pananagutan at koordinasyon ng mga LGU.
โLumahok sa pagsusuri ang mga Provincial at Municipal Local Government Operations Officers, kung saan lahat ng 87 LGU sa Cagayan Valley ay bibigyan ng Level 1 hanggang Level 3 na rating batay sa antas ng kanilang suporta at bisa ng programa.
โAyon sa DSWD FO2, ang TAPAT LGU Functionality Assessment ay isang makabagong inisyatiba na kinikilala ang mahusay na pagpapatupad ng 4Ps at mga pinakamahusay na gawain ng LGU, na ginawaran din ng ikatlong puwesto sa KM PRIDE Awards 2024.
โSource: DSWD REGION 2
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










