Epektibo na ngayong linggo ang bawas presyo sa produktong petrolyo sa merkado.
Nauna nang nagpahayag ang mga oil companies base sa kanilang oil trading nito lamang nakaraang linggo at inaasahang maiimplementa ito simula March 12.
May nakaambang bawas sa presyo ng kada litro ng mga sumusunod: Gasoline, naglalaro sa 55 hanggang 95 sentimos, Diesel, 20 hanggang 60 sentimos habang Kerosene, 10 hanggang 50 sentimos.
Ang mga PUV Drivers sa Pangasinan, sa kabila ng taas-baba nitong siste, ay umaasa pa rin na magtagal naman daw sana umano ang rollback sa krudo.
Samantala, isa sa nakakaapekto sa presyuhan sa krudo ay ang international market oil price kung saan unti-unting tumaas noong nakaraang mga araw ang presyo ng petrolyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments