𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang padre de pamilya sa Brgy. Dulag, Lingayen matapos nitong kitilin ang kaniyang sarili dahil umano sa problema sa pamilya.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ng pinsan ng nasawi ang bangkay nito nang kanya itong bisitahin. Tumambad sa kaniya ang katawan ng kaniyang pinsan na nakapulupot ang extension cord sa leeg at wala ng buhay.

Madalas umanong ikwento ng biktima ang problema sa kustodiya ng mga anak dahil sa alitan nila ng kanyang live-in partner.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments