𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗔𝗞 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗧𝗢

Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang isang kwarenta y tres anyos na lalaki sa Urdaneta City matapos itong saksakin ng kanyang anak na pinagalitan nito sa Urdaneta City.

Naganap ang insidente sa bahay ng mag ama kung saan base sa imbestigasyon, pinagalitan ng biktima ang kanyang anak dahil sa pagtatambay nito sa labas kahit dis oras na ng gabi.

Kinalaunan habang mahimbing na natutulog ang biktima ng ito ay lapitan at pagsasaksakin ng kanyang anak sa kanyang likuran.

Agad naman itong naisugod sa pagamutan at nasa mabuti ng kalagayan habang arestado ng PNP ang suspek at nahaharap sa kasong parricide. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments