
Cauayan City – Pinasok ng tatlong armadong lalaki ang residence compound ng isang oil mill sa Brgy. Mayao, Lucena City, Quezon madaling-araw ng Linggo, Pebrero 22, 2026.
Batay sa inisyal na ulat, naganap ang insidente mula alas-1:50 ng madaling-araw hanggang alas-3:45 ng umaga nang palihim na makapasok ang mga suspek sa loob ng compound.
Ayon sa may-ari ng oil mill, agad umanong itinali ng mga armado ang naka-duty na security guard at kinuha ang service firearm nito kasama ang mga bala.
Matapos nito ay pumasok din ang mga suspek sa loob ng bahay na matatagpuan sa loob ng compound.
Wala pang inilalabas na detalye ang mga awtoridad kung may iba pang nawawala o kung may nasaktan sa insidente.
Samantala, humihingi ng tulong ang pamunuan ng oil mill sa publiko para sa pagkakakilanlan at agarang pagkakahuli sa tatlong suspek.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon at manhunt operation ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at mapanagot ang mga ito sa ilalim ng batas.
: Contributed photos
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










