Monday, February 23, 2026

𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗞𝗢𝗠, 𝗨𝗨𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗖𝗖 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗬 𝗙𝗣𝗥𝗥𝗗

Cauayan City – Pangungunahan ng tatlong babaeng hukom mula sa Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity.

Kabilang sa mga uupong hukom Presiding Judge Iulia Antoanella Motoc, na bago naging bahagi ng ICC ay nagsilbing hukom sa European Court of Human Rights.

Naging United Nations Special Rapporteur din siya para sa Democratic Republic of the Congo, kung saan nag-ulat siya hinggil sa mga kasong crimes against humanity at war crimes.

Kasama rin si Judges Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou, na naging miyembro ng African Commission on Human and Peoples’ Rights (ACHPR) sa loob ng 12 taon.

Nagsilbi siya bilang Chair ng komisyon at Special Rapporteur on the Situation of Human Rights Defenders in Africa.

Samantala, si María del Socorro Flores Liera ay nagmula sa Foreign Service ng Mexico bago sumali sa ICC.

Nagsilbi rin siya bilang Vice President ng United Nations Human Rights Council noong 2020.

Ang tatlong hukom ang magpapasya kung may sapat na ebidensya upang umusad sa paglilitis ang kaso laban sa dating pangulo.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments