𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗧𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗞 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗥𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

NAIS na matutukan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang tatlong barangay sa lungsod dahil umano sa talamak na kalakaran ng illegal na droga.

Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, ang barangay Pantal, Bonuan Binloc at Mayombo ang nais nitong tutukan sa pagsasagawa ng operasyon kontra illegal na droga.

Aminado ang alkalde na bagamat puspusan ang kabilaang operasyon na isinasagawa ng awtoridad sa lungsod ay mayroon pa ring pangangailangan na mas paigtingin ang pagbabantay sa nabanggit na barangay dahil sa pagkaka aresto ng ilang drug personalities at drug trafficking dito.

Kamakailan lamang isinagawa ang inagurasyon ng Balay Silangan sa lungsod na magsisilbing reformation facility ng mga indibidwal na apektado ng illegal na droga tungo sa pagbabalik normal na pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments