𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗡𝗢, 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘

Inalmahan ng mga residente sa ilang barangay ng Agno ang kawalan pa rin ng suplay ng kuryente matapos na lubhang maapektuhan ang bayan sa pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ilan sa mga lugar na apektado ng power interruption ay mga barangay ng Dangley, Aloleng at Poblacion na nabigyan ng pansamantalang generator sa mga barangay hall upang matulungan ang mga residente.

Paliwanag naman ng Pangasinan 1 Electric Cooperative, nagtamo ng malawakang pinsala sa mga power lines at imprastraktura ang tanggapan dulot ng Bagyong Kristine.

Pagtitiyak ng tanggapan na nagsasagawa ng kabilaang maintenance at restoration sa mga power lines upang maibalik na ang suplay ng kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments