Nakatanggap ang tatlong lugar sa Probinsya ng Pangasinan ng pinakamataas na pagkilala at parangal sa kakatapos lamang na 23rd Gawad KALASAG ng Office of the Civil Defense.
Ito ang mga bayan ng San Fabian, Anda, at lungsod ng Alaminos lamang sa lalawigan ang nakakuha ng parangal na Beyond Compliant sa ilalim ng Seal for Local DRRM Councils ng 23rd Gawad KALASAG ng OCD- Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance.
Nakakuha naman ang lungsod ng San Fernando at bayan ng Agoo sa La Union at bayan naman ng Magsingal sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Ang Gawad KALASAG o ang KAlamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan ay ang pangunahing taunang parangal sa bansa ng OCD para sa kontribusyon sa larangan ng pagbawas at pamamahala sa panganib sa kalamidad at makataong tulong ng mga lokal na pamahalaan.
Bukod sa mga LGU’s na nabanggit, kinilala din ang dalawampu’t anim na bayan at Lungsod sa lalawigan na nakakuha ng parangal na Fully Compliant ng ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments