𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗗𝗔𝗗

Tumilapon sa canal ang minamanehong motorsiklo ng estudyanteng si John Vincent Bañaga matapos salpukin ng isa pang motorsiklo sa Brgy. Poblacion East, Natividad, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, aksidenteng nabangga ng motorsiklo na minamaneho ni Shemer John Antonino ang motorsiklo ni Bañaga nang magovertake ito dahilan upang mawalan ng kontrol ang dalawang sasakyan.

Sugatan ang dalawang driver ng motorsiklo kasama na ang backride ni Bañaga.

Bigong magpakita ng driver’s license ang mga driver at pawang hindi nakasuot ng helmet nang maganap ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments