𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗤𝗨𝗜𝗥𝗜𝗡𝗢 𝗣𝗡𝗣 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗛𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡

‎Cauayan City – Tatlong indibidwal, kabilang ang dalawang suspek sa iligal na droga at isang wanted person, ang naaresto ng Quirino Police Provincial Office sa magkakahiwalay na operasyon.
Sa Cabarroguis, nadakip si alyas “Juris,” na may warrant of arrest dahil sa paglabag sa PD 2018, Articles 38 at 39 ng Labor Code at economic sabotage.
‎Samantala, sa Diffun naman, naaresto si alyas “Mateo” sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Brgy. San Isidro.
Huli naman na naaresto si alyas “Joel”, residente ng Aglipay matapos mahuli sa Barangay Villa Santiago na nagbebenta at nagdadala ng ilegal na droga.
‎Lahat ng naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang isinasailalim sa legal na proseso.
Source: QUIRINO PPO VALLEY COPS
————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments