𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡

Patay ang tatlo katao habang kasalukuyang inoobserbahan pa sa pagamutan ang dalawang kasama nila sa naganap na banggaan ng bus at tricycle sa bayan ng Binalonan.

Ang mga namatay na mga biktima ay kinilalang sina Melchor Hular na siyang driver ng tricycle, at dalawa sa mga sakay nito na nakilalang sina Hannah Mateo at Dennis Dasalla habang inoobserbahan pa sa pagamutan ang dalawang menor de edad na sakay ng tricycle.

Naganap ang aksidente alas sais pasado ng umaga sa Brgy. Cili kung saan ay papasok na sana ng national highway ang mga biktima na sakay ng tricycle ng aksidenteng mabangga ng padating na bus na minamaneho ng Isang Louie Dugayon dahilan upang tumilapon ang mga sakay ng tricycle at magtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng Katawan nila.

Naisugod naman agad sa pagamutan ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang tatlo habang kasalukuyang inoobserbahan pa ang dalawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments