
Cauayan City – Tatlong menor de edad na magkakapatid na lalaki ang nasawi matapos malaglag sa isang nagyeyelong lawa sa Bonham, North Texas sa kasagsagan ng matinding winter storm na tumama sa malaking bahagi ng Estados Unidos.
Β
Ayon sa Fannin County Sheriffβs Office, nangyari ang insidente sa isang pribadong lawa sa hilaga ng Bonham, isang rural na komunidad malapit sa hangganan ng Oklahoma.
Β
Tumira pansamantala ang pamilya sa bahay ng isang kaibigan na nasa tapat lamang ng lawa.
Ayon kay Cheyenne Hangaman, ina ng mga batang nasawi binalaan umano niya ang kanyang mga anak na huwag lumapit sa lawa.
Nangyari umano ang insidente matapos unang mahulog ang bunsong anak nito matapos maglaro ng ice skating sa nagyeyelong lawa dahil dito kaagad na sumaklolo ang kaniyang dalawang nakakatandang kapatid na siyang naging dahilan ng kanilang pagkahulog.
Β
Gayunman, ipinaalam ng kanyang anak na babae na nahulog sa tubig ang kanyang mga kapatid. Dahil dito, kaagad siyang tumakbo patungo sa lawa at sinubukang iligtas ang mga bata sa kabila ng makapal na yelo.
Β
Tumalon ang ina sa nagyeyelong tubig ngunit agad siyang nabigla sa sobrang lamig. Sinubukan niyang isa-isang iangat ang kanyang mga anak palabas ng tubig, subalit patuloy na nababasag ang yelo sa tuwing ilalagay niya ang mga ito sa ibabaw.
Β
Dahil mag-isa lamang siya, hindi niya kinayang iligtas ang tatlong bata.
Β
Samantala, isang lalaki ang tumulong sakanya matapos maghagis ng lubid upang mailabas ng nito ang mga bata mula sa lawa. Sa puntong iyon, hirap na siyang huminga at gumalaw at napagtanto niyang wala na ang kanyang mga anak kayaβt kinailangan na niyang iligtas ang kanyang sarili.
Β
Ayon sa mga awtoridad, ang dalawang bata ay nahila mula sa tubig ng mga first responder habang ang bunsong kapatid ay natagpuan matapos ang masusing paghahanap sa lawa.
Β
Sa ngayon patuloy na Nananatiling nababalutan ng yelo ang maliit na lawa sa masukal na lugar.
Β
Ayon sa mga ulat, mahigit 40 katao na ang nasawi sa ibaβt ibang estado sa U.S. dahil sa matinding lamig na dala ng winter storm.
Β
—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan
Β
Facebook Comments










