Personal na tinanggap ng labing dalawang asosasyon sa Pangasinan ang kapital para sa kanilang pangkabuhayan sa isinagawang Sustainable Livelihood Program Congress sa Bayambang Pangasinan ng Department of Social Welfare and Development Office 1, kahapon.
Kabuuang tatlong milyon piso ang naipamahagi sa mga benepisyaryong kabilang sa poorest of the poor sa Bayambang na ibinatay sa mga datos ng ahensya.
Ayon kay DSWD 1 Regional Director Marie Angela Gopalan, mahigpit ang isinasagawa nilang balidasyon sa pagpili ng mga benepisyaryo.
Dagdag pa riyan, nasa 14,800 na indibidwal na ang natulungan ng kanilang SLP program kung saan 25% rito ay mula sa Pangasinan.
Layunin din ng naturang programa na mabawasan ang mga 4Ps beneficiaries nang magkaroon ng hanapbuhay at hindi umasa sa gobyerno.
Samantala, kasabay ng naturang paggawad ay ang pagtatampok ng iba’t ibang lokal na produkto mula sa iba’t ibang lalawigan sa Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨