Naka red-alert status pa rin ang operasyon ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kahit pa nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Pepito.
Ayon kay Ms. Avenix Arenas ang Assistant Department Head ng tanggapan, ito ay dahil sa may mga lugar pa sa lalawigan ang nakakaranas ng pagbaha kung kaya’t hindi pa ibinababa ang alerto.
Aniya, mayroong pa ring pagabaha sa bayan ng Sta. Barbara, Calasiao, Dagupan at Bautista.
Paliwanag ni Arenas, bumababa na ang tubig na mula sa Benguet at dumi-diretso sa Sinocalan River sa Sta. Barbara na konektado sa Marusay River sa Calasiao at Pantal River sa Dagupan City.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagsasagawa ng assessment ng Pamahalaang Panlalawigan sa iniwang danyos sa agrikultura at imprastraktura ng Bagyong pepito sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨