𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗧-𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗟𝗟𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘

Nakapagtala na ng tatlong buhay na nasawi dahil sa heat-related illness ang City Health Office o CHO sa lungsod ng Dagupan, ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa CHO, heat stroke ang sanhi ng pagkasawi ng mga nasabing biktima. Dagdag pa nila na nagiging triggering factor ang nararanasang mainit na panahon sa iba pang sakit na maaaring magdulot ng heat-related illnesses.

Kaya naman, patuloy at mariin ang pagtutok ng CHO sa mga kaso ng heat-related illnesses tulad na lamang ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke, dagdag pa riyan ang asthma maging ng hypertension.

Paalala naman ng health authorities na manatili lamang sa mga shaded areas, lalo na sa pagsapit ng alas diyes ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon, gayundin ang palagiang pag-inom ng tubig at pagsusuot ng light-colored na mga damit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments