𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗩 𝗔𝗧 𝟲-𝗪𝗛𝗘𝗘𝗟𝗘𝗥 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦

Hindi na nakaabot ng buhay sa hospital ang tatlong katao na sakay ng isang SUV nang makabanggaan nito ang isang 6-wheeler truck sa Rosales, Pangasinan.

Madaling araw nang mangyari ang aksidente sa Tarlac-Pangasinan-Expressway sa Brgy.Palakipak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, isang sasakyan na nasa unahan ng SUV ang nag overtake. Hindi umano ito napansin ng driver ng SUV.

Dahil, dito nawalan ito ng kontrol dahilan nang masalpok sa kasalubong sa 6-wheeler truck.

Dinala sa pinakamalapit na hospital ang driver ng SUV at dalawa pang sakay nito ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments