𝗧𝗔𝗧𝗟𝗨𝗠𝗣𝗨’𝗧 𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗢, 𝗡𝗔𝗟𝗜𝗞𝗢𝗠 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦𝗦 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Umabot sa tatlumput anim na bag ng dugo ang nalikom mula sa isinagawang mass blood donation sa Alaminos City.

Katumbas ng nasa 16,200 cc ng dugo ang nakolekta mula sa naturang aktibidad na pinangasiwaan ng lokal na pamahalaan at ng Philippine Red Cross – Alaminos City Chapter.

Ang naturang aktibidad ay pagtugon sa panawagan na blood donation upang madugtungan ang buhay ng Isang indibidwal. Bahagi ang programa bilang selebrasyon sa 124th na taon ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments