𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦 𝗗𝗜𝗚𝗡𝗜𝗧𝗬 𝗖𝗢𝗔𝗟𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗜𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗧𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗖𝗔𝗟𝗘𝗡𝗗𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡

Hinihiling ngayon ng Teachers Dignity Coalition ang pagbabalik ng limang school calendar sa lalong madaling panahon.

Ito ay dahil sa kaliwa’t kanang face to face class suspension na ipinapatupad dahil sa mainit na panahon.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay TDC Chairman Benjo Basas, kayang-kaya na aniya sa 2025 to 2026 school year na ibalik ang school calendar.

Sapat na aniya ang panahon sa susunod na school year para makapag adjust dahil sa nararanasang init ng panahon.

Sa ngayon ay nakakapagtala ng matataas na heat index ang buong bansang Pilipinas na dahilan ng suspension ng face to face classes sa ilang mga bahagi ng bansa kasama na ang Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments