𝗧𝗘𝗖𝗢 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗜𝗪𝗔𝗡 𝗧𝗘𝗖𝗛𝗡𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗞𝗔𝗬 𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗚𝗢𝗩. 𝗙𝗔𝗨𝗧𝗜𝗡𝗢 𝗗𝗬 𝗜𝗜𝗜

CAUAYAN CITY – Malugod na binati ni Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III ang mga kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) at Taiwan Technical Mission nito lamang ika-8 ng Agosto, sa isinagawang courtesy meeting.

Ibinahagi ni TECO Deputy representative Dustin Yang ang kagustuhan nilang makipagtulungan sa pagpapaunlad ng agrikultura sa lalawigan.

Ilan sa mga tinalakay ay ang paghahanap nila ng mga aspiring farmers na gustong sumailalim sa internship program sa bansang Taiwan na magtatagal ng labing-isang buwan.


Facebook Comments