Pinagpaplanuhan na ng lokal na Pamahalaan ng San Carlos City ang pansamantalang pwepwestuhan ng mga negosyanteng naapektuhan ng sunog sa sa Old Public Market.
Sa isinagawang pagpupulong ng mga ito kasama ang higit 400 nagmamay-ari ng stall nagkaroon ng pagkakataon na magpahayag ang mga ito ng kanilang hinaing,opinion at suhestyon para sa mas mabilis na pagtugon sa sa problema ng mga nasunugan.
Tinitignan na ng lokal na pamahalaan ang mga posibleng lugar sa lungsod na maaring paglagakan pansamantala ng mga negosyante upang makapagpatuloy ang mga ito sa paghahanap buhay.
Maliban dito inihahanda na rin ang immediate relief at financial assistance.
Binigyan linaw rin ang ilang alegasyon ukol sa di umano’y sadyang pagsunog sa old public market na siyang mariing pinabulaanan ng alkalde. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨