Epektibo pa rin ang nagpapatuloy na total ban sa pagpasok ng mga buhay na baboy sa mga lugar na nasa ilalim ng red zones ng Pangasinan bilang pag-iingat sa African Swine Fever(ASF).
Ang kautusan ay sa ilalim pa rin ng Executive Order No. 0102 series of 2023, na nagbabawal sa pagpasok ng baboy mula sa mga nasa red zones.
Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Arcely Robiniol, ipinapatupad ngayon sa lalawigan ang striktong pagbabantay sa mga border control gayundin ang animal quarantine checkpoints.
Ilan na lamang sa mga binabantayan ay ang Mabilao, San Fabian; Asan Sur sa Sison; Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) sa Pozorrubio; at TPLEX Urdaneta City.
Paalala ng awtoridad na kinakailangang may ipakitang dokumento ang mga traders na ligtas sa ASF ang mga ipinapasok na produkto sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨