𝗧𝗘𝗥𝗠𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗡𝗜𝗟𝗔

Dinagsa na kagabi ang mga terminal ng bus sa Dagupan City ng mga pabalik ng Maynila matapos ang long weekend.

Ilan sa mga pasahero na nakapanayam ng IFM Dagupan, mas pinili nilang bumyahe kagabi dahil kaunti pa lamang ang pasahero hindi kagaya ngayong umaga na mas siksikan na at punuan ang mga bus.

Siniguro naman ng mga bus companies na dapat na bus upang maserbisyuhan ang mga pabalik ng Maynila.

Samantala, inabisuhan ng mga bus companies ang mga mananakay na habaan lamang ang pasensya dahil makakasakay din ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments