π—§π—œπ—‘π——π—˜π—₯𝗒 𝗑𝗔 π—§π—¨π— π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—‘π—”π—žπ—”π—£π—”π—₯π—ž 𝗑𝗔 𝗧π—₯π—œπ—–π—¬π—–π—Ÿπ—˜, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’

Timbog ang isang lalaki matapos tangkaing tangayin ang isang tricycle na nakapark sa Brgy. Poblacion Oeste, Dagupan City.

Kinilala ang suspek ng pulisya na isang tindero at residente sa lugar. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nasaksihan ng kapatid ng biktima na tinangay ng suspek ang tricycle. Sinubukan pa nitong habulin ang suspek ngunit mabilis ang patakbo nito sa ninakaw na sasakyan.

Kuha sa CCTV ang insidente dahilan ng pagtukoy sa suspek. Nahagip pa ng suspek ang isang traffic enforcer nang akmang tatakas.

Dito na iniwan ng suspek ang tricycle at agad na tumakas. Arestado. sa hot pursuit operation ang suspek. Haharap ito sa kasong paglabag sa RA 10883 o ang New Anti Carnapping Act of 2016. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments