𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗢 𝗡𝗚 𝗬𝗘𝗟𝗢, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Himas rehas ngayon ang 28 anyos na tindero ng yelo sa San Fernando City Public Market, La Union matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.

Ang suspek ay itinuturing na high value target sa probinsiya.

Sa isinagawang operasyon ng PDEA at kapulisan, pasado alas diyes ng gabi nang matimbog ang suspek, na nahulihan ng isang gramo ng illegal na droga na nagkakahalaga ng P6,800.

Nakakulong na sa San Fernando City Police Station at sinampahan na ng kaso sa paglabag ng RA 9165. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments