𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pnp sa pagkakakilanlan ng mga taong nasa likod ng pagpatay sa isang tindero sa bayan ng Bayambang.

Ang biktima na nakilalang si Ryan Cayabyab, residente ng Brgy. Darawey sa nasabing bayan ay malapitang pinagbabaril sa loob mismo ng kanyang bahay.

Naganap ang pamamaril pasado alas – onse ng gabi habang nagkakalikot ng kanyang cellphone ang biktima nang pasukin ng mga suspek at pinaulanan ng bala.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t – ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival habang patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril maging pagkakakilanlan ng mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments