𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Kalaboso ang isang trenta y dos anyos na tindero matapos ang ikinasang buy bust operation sa Dagupan City.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas onse ng gabi sa bahagi ng Bonuan Gueset sa nasabing lungsod.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska sa suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments