𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗢, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔 𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang Isang trentay tres anyos na tindero matapos itong saksakin ng nakaalitang kapwa tindero nito sa Alaminos City.

Ang biktima ay nakilalang si Christian Ballega habang ang suspek ay kinilalang si Hercules Bataler parehong residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, nasa kanyang pwesto ang biktima sa tapat ng isang bus terminal doon nang dumating ang suspek at kinumpronta ito.

Dito ay nagkainitan ang dalawa hanggang sa maglabas ng screw driver ang suspek at sinaksak ang biktima sa leeg at loob.

Naisugod naman agad sa pagamutan ang biktima na ngayon ay patuloy pa ring inoobserbahan habang naaresto ang suspek matapos ang insidente kasama ang patalim na ginamit nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments