Nasa isa hanggang dalawang porsyento lamang ng tobacco farmers sa lalawigan ng Pangasinan ang apektado ng El Niño phenomenon.
Sa pahayag ni National Tobacco Administration-Pangasinan branch Manager Roger Madriaga, karamihan sa mga naitalang apektado ay mga nahuli sa pagtatanim at bagaman hindi nangangailangan ng labis na patubig ang pananim ay hindi rin dapat ito madarang upang hindi agad masira.
Dagdag niya, nakapagtanim sa tamang panahon ang karamihan sa mga magsasaka ng tabako kaya hindi na naabutan ng matinding init ng panahon.
Ang mainam na petsa para sa pagtatanim ng tabako ay mula Oktubre hanggang ikalawang linggo ng Enero at umaabot mula 55 hanggang 60 araw bago anihin.
Patuloy na tinutugunan ng NTA ang mga suliranin ng tobacco farmers sa lalawigan kabilang dito ang paghahandog ng curing barn para sa air drying na kinakailangan upang hindi agad masira ang produktong tabako. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨