𝗧𝗢𝗗𝗔 𝗙𝗘𝗗𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗘𝗟 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗜𝗗𝗬

Ilang mga tricycle operators at drivers sa bayan ng Urbiztondo ang benepisyaryo ng Pantawid Pasada Program o Fuel Subsidy Program ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Mula sa 21 barangay ng Urbiztondo ang mga benepisyaryo at bumubuo sa Toda Federation ng bayan. Lubos na ikinatuwa ng mga driver at operators ang subsidiya na nakatakdang matanggap ng mga ito ngayong taon.

Ang Pantawid Pasada Program ay inisyatibo ng ahensya bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa pandemya at tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Samantala, nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa TODA Federation na maging kaisa ng gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong Urbiztondo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments