𝗧𝗢𝗡𝗘 -𝗧𝗢𝗡𝗘𝗟𝗔𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗥𝗡𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗢𝗞𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗨𝗚

Nakumpiska ng National Meat Inspection Service Region 1 ang 1.2 metriko tonelada ng hot meat na manok o karne na kinatay sa hindi rehistradong establisyimento sa pamilihang bayan ng Tayug, Pangasinan.

Isinumbong sa ahensya ang pagkakadiskubre nito matapos na isang residente ang nagreklamo ukol dito.

Nabigyan naman ng sapat na warning ang nahuling nagtitinda nito bago nagsagawa ng strike operation ang NMIS.

Samantala, ayon sa NMIS ang mga nakukumpiskang meat products ay iniiwasan nang ipamahagi sa mga bilangguan dahil maaring ito ay may Banta sa kalusugan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments