𝗧𝗒𝗣 𝟭 𝗠𝗒𝗦𝗧 π—ͺπ—”π—‘π—§π—˜π—— π—£π—˜π—₯𝗦𝗒𝗑 𝗦𝗔 𝗔𝗑𝗗𝗔, π—žπ—”π—Ÿπ—”π—•π—’π—¦π—’

Arestado ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Anda, Pangasinan sa bisa ng isinagawang warrant of arrest ng Anda Police Station.

Nakilala ang suspek na si Jie Mark Caranay a.k.a β€œMark Sanchez Caranay/β€œJmac”, bente dos anyos, residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Nahaharap sa kasong Statutory Rape ang suspek na hindi maaaring mapiyansahan.

Dinala ang naaresto sa Bolinao Community Hospital para sa physical examination at sa Anda PS para sa dokumentasyon at disposisyon bago i-turn-over sa korteng pinagmulan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments