𝗧𝗢𝗣 𝟭 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Inaresto ng pulisya ang Top 1 Most Wanted Person, sa bayan ng Mangaldan sa bisa ng inihaing Warrant of Arrest.

Nakilala ang akusado na si alyas Tanduay, 24 anyos, residente sa nasabing bayan.

Nahaharap ito sa kasong Statutory Rape. Dinala sa Rural Health Unit ng bayan ang suspek para sa pisikal at medikal na examination at idiniretso sa himpilan ng Mangaldan PS para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments