𝗧𝗢𝗣 𝟯 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗠𝗢𝗦𝗧 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡

CAUAYAN CITY – Tuluyan nang nahulog sa kamay ng mga kapulisan ang tinaguriang Top 3 sa buong rehiyon na wanted sa kasong Rape sa Brgy. Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas Ron, 32 anyos, walang asawa, baker, at residente ng Brgy. Baculud, San Pablo, Isabela.

Naaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest para sa dalawang (2) bilang ng kasong Rape na may kaugnayan sa RA 7610.


Kaugnay nito, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa isinampang kaso laban sa suspek na nasa kustodiya ngayon ng Cabagan Police Station.

Facebook Comments