Cauayan City – Hindi na makakapagtago pa sa kamay ng batas ang isang lalaki matapos itong maaresto ng mga awtoridad kahapon ikatlong araw ng Hunyo sa Brgy. Muñoz West, Roxas, Isabela.
Sa bisa ng mandamyento de aresto, naaresto ang suspek na si Alyas “Kalo”, itinuturing bilang ika-walo sa Top Most Wanted Person sa buong lalawigan ng Isabela na nahaharap sa tatlong bilang ng kasong rape.
Wala namang inirekomendang halaga ng piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Alyas “Kalo”.
Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng Roxas Police Station ang suspek para sa dokumentasyon bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.
Facebook Comments