Nakatakda ang implementasyon ng Tourist rest area (TRA) project sa Pangasinan partikular sa Capitol Area sa pamamagitan ng isang partnership kasama ang probinsya ng Pangasinan, Department of Tourism (DOT) at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Magkakaroon ng pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) ang gobernador ng lalawigan, Gov. Ramon Guico III kasama ang mga concerned agencies.
Ang naturang tourist rest area ay isa sa mga programa ng DOT sa pakikipag-ugnayan sa TIEZA na may layon na makapagbigay ng impormasyon sa mga local at dayuhang turista ukol sa mga
tourist sites at attractions, activities, accommodations, safety and security, at iba pangangailangan ng mga ito habang nananatili sa probinsya.
Makatutulong umano ang TRA project sa pagpapabuti pa ng pangkalahatang karanasan ng mga turistang dumadayo sa mga tourist destinations sa probinsya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments