𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗡𝗧𝗢𝗞

Nauwi sa suntukan ang komprontasyon ng isang construction worker at enforcer ng Dagupan City Public Order and Safety Office (POSO).

Ayon sa imbestigasyon, nakaduty ang biktimang si Mark Joseph Corpuz nang mangyari ang insidente.

Naghihintay umano ito ng masasakyan papunta sa lugar kung saan ito idineploy nang lapitan siya at komprontahins ng suspek na si Mark Francis Caguioa.

Wala pang ilang minuto sinuntok ng suspek ang biktima sa mukha. Hindi rin nakapagpigil ang biktima na bumawi ng suntok.

Umawat naman ang mga pulis at ilang katrabaho ni Corpuz.

Nagtamo ng injury sa ilong ang biktima na desididong magsampa ng kaso laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments