𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗘𝗡𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Timbog ang isang traffic enforcer sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 at Philippine National Police Pangasinan sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na isang 50 anyos at residente sa bayan ng Mapandan.

Nahuli ito pasado alas nwebe ng Gabi kung saan Nakumpiska ang humigit kumulang isang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6, 800.

Nasa kustodiya na ng PDEA Pangasinan Provincial Office ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments