𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗥𝗘𝗥𝗢𝗨𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗧𝗥𝗘𝗘𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗦𝗢 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Inilabas na ng Public Order and Safety Office Dagupan ang ipatutupad na traffic rerouting plan para sa magaganap na Bangusan Street Party sa April 30, 2024.

Sa kanilang official facebook page, nakasaad ang rerouting plan na susundin muna ng lahat ng mga motorista at ng mga magbabalak na bumisita.

Simula ngayong lunes ng alas dose ng tanghali hanggang May 1, 2024, ang bahagi ng New De Venecia Rd. mula De Venecia – Pantal Guibang Section hanggang sa isang convenience store sa Lucao ay pansamantala munang sarado para sa lahat ng klase ng sasakyan.

May mga idedeploy naman na hanay mula sa POSO Dagupan sa naturang bahagi para bigyang gabay ang mga motorista at ipaalam sa publiko ang alternative route na maaari nilang daanan pansamantala.

Samantala, ang naturang traffic rerouting plan ay bahagi ng paghahanda para sa selebrasyon ng Bangusan Street Party. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments