𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗘𝗦𝗧𝗔 𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nanindigan ang transport group na Manibela na ipagpapatuloy ang protesta laban sa PUV Consolidation.

Sa Naging panayam ng ifm dagupan Kay Manibela Chairman, Mar Valbuena, bagamat may isang buwan na palugit na ibinigay ay magpapatuloy aniya ang kanilang protesta.

Sa ngayon ay nakakapasada nman aniya ang kanilang mga kasamahan sa Maynila dahil sa extension.

Umaasa pa din ito na pakikinggan ang kanilang hinaing na pagtutol lalo na sa pagbasura ng mga traditional jeepneys na kaya at pwede pa namang mamasada.

Samantala patuloy aniya na kinukurmpirma ng kanilang grupo sinasabing pananakot sa Ilan sa kanilang mga kasamahan sa Ibang lugar kaugnay sa Pag-anib sa PUV consolidation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments