Inalmahan ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO ang kahilingan na suspendihin na muna ang PUV Modernization Program.
Sa naging panayama ng IFM Dagupan kay ACTO Nationwide President Liberty Deluna, sinabi nito na sumusunod ang mga ito sa naturang mandato kung saan 81% ng kanilang miyembro ang nasa ilalim na ng PUV Modernization Program.
Aniya, pitong ekstensyon na ang naisagawa, dahil sa panawagan ng mga tutol sa naturang programa ng gobyerno.
Di umano noong unang implementasyon nito ay tutol din sila ngunit napagtanto kalaunan na maganda ang epekto sa mga mananakay maging sa kalikasan.
Hiling ni De Luna, imbes na suspendihin magkaroon sana ng pagawaan ng mga makabagong sasakyan sa Pilipinas upang mas mapababa ang presyo at makabili ang ilang PUV Drivers.
Sakaling tuluyang suspendihin ang programa, isang transport strike ang isasagawa ng mga miyembro ng ACTO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨