𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗜𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗥𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥

Bigo ang transport sector ng Pangasinan na marinig sa SONA ng Pangulo ang pagtalakay sa ibat-ibang isyu na nararanasan ng mga ito.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay One Pangasinan Transport Federation President Bernard Tuliao, naunang inihayag ng mga ito ang pagbawas umano sa interes sa kukuning modernized unit na malaking pahirap umano sakanila.

Aniya, sinabi nito na sana lahat ng mga puv drivers ay mabigyan ng subsidiya at mabigyan ng pagkakataon ang local manufacturers na gumawa ng modernized jeep.

Hindi man naging partikular ang Pangulo sa transport sector lalo na sa usaping modernization at consolidation ng jeep ay patuloy na umaasa ang mga transport sector sa probinsiyana matulungan sila sa kanilang hanapbuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments