Sinang-ayunan ng Transport Sector sa lalawigan ng Pangasinan ang kahilingang pagsuspinde sa Jeepney Modernization Program ng Pamahalaan.
Ayon kay One Pangasinan Transport Federation President Bernard Tuliao, pabor sa kanila ang naturang kahilingan dahil ilang drayber sa lalawigan ang hindi kakayanin ang 2.1 milyong pisong presyo ng modernized jeepney.
Aniya, kung bibigyan ang mga ito ng pagkakataon na i modernize ang kanilang sariling pampublikong sasakyan ay hindi na aabutin pa sa isang milyon ngunit may kinakailangan standards na masunod mula sa Department of Trade and Industry.
Dagdag ni Tuliao, Nakukulangan rin sila sa subsidiyang ipinamamahagi ng gobyerno para sa pagkuha ng mga modernized jeepneys dahil malaki pa rin ang kanilang bubunuin sa buwanang bayad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨